^

Bansa

Sapat na pondo sa Specialty Hospitals, iginiit ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ikinabahala ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagliit ng alokasyon sa mga national specialty­ hospital kasabay ng pampublikong pagdinig para sa panukalang 2025 budget ng Department of Health (DOH).

Bilang tagapangulo ng Senate committee on health at vice chair ng Senate finance committee, binigyang-diin ni Go ang pangangailangan ng sapat na pondo para sa specialized medical facilities, tulad ng Lung Center of the Philippines, Philippine Heart Center (PHC), National Kidney and Transplant Institute (NKTI), at Philippine Children’s Medical Center (PCMC).

Iginiit din ni Go ang pangangailangang ayusin ang pagpapatupad ng Republic Act No. 11959, o ang Regional Specialty Centers Act na pangunahin niyang itinaguyod at isa sa mga may-akda, upang idesentralisa ang specialized medical services upang maging available sa lahat ng rehiyon sa bansa.

Idiniin ni Go na ang nasabing batas ay isang legislative priority.

“Hindi na po dapat pumunta ng Maynila ang magpapagamot sa Heart Center, NKTI, o Lung Center dahil magi­ging available na po ang serbisyo sa mga DOH hospitals sa iba’t ibang rehiyon,” aniya.

Sa pagdinig, sinabi ni Go sa DOH na dapat itong mag-update sa pagpapatupad ng batas, gayundin sa tungkol sa pondo para sa specialty centers na ito.

Tinalakay rin ni Go ang kahalagahan ng Super Health Centers na nagbibigay ng pangunahing health care services, kabilang ang consultations, early disease detection at minor treatments.

Ipinunto niya na ang maagang pagtuklas at pag-iwas sa mga sakit sa pamamagitan ng Super Health Centers ay mala­king pagtitipid para sa gobyerno at mas magandang resulta sa kalusugan para sa mga pasyente.

“Mas makakatipid po kayo pag early detection at prevention para hindi lumala ang sakit.”

“Sana po, patuloy itong masuportahan sa 2025 budget, itong pagpapatayo ng mga Super Health Centers,” ayon kay Go.

vuukle comment

BONG GO

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with