Senado iimbestigahan sinapit ng 20 Pinay ‘babymaker’ sa Cambodia

MANILA, Philippines — Maghahain ng resolus­yon si Sen. Risa Hontiveros upang maimbestigahan ang sinapit ng 20 Pinay sa Cambodia na sinasabing ginawang surrogate mother o “babymaker.”

Sinabi ni Hontiveros na malinaw na isang kaso na naman ito ng human trafficking at karahasan laban sa mga kababaihan.

Na-rescue ng Cambodian Police ang mga Pinay kung saan ilan dito ay buntis na.

Aalamin sa imbestigas­yon kung paano na-recruit ang 20 Pinay at kung paano sila nakapasok na iligal sa Cambodia.

Sa pahayag ng Philippine Embassy sa Phnom Penh nitong Miyerkules, ni-recruit umano ang mga Pinay sa Pilipinas at ginawang surrogate mothers.

Buntis ang 13 sa mga nasagip at nasa isang ospital samantalang nakatakdang i-repatriate ang pito.

Inaalam pa kung sino ang nag-recruit sa mga Pinay na nagawa umano sa pamamagitan ng social media o internet.

Show comments