^

Bansa

Remulla nanumpa na bilang DILG chief

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pormal nang nanumpa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Cavite Governor Jonvic Remulla bilang bagong kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Ang oath-taking ay ginawa sa Malakanyang ilang oras bago tumulak ang Pangulo para sa 44th at 45th ASEAN Summits and Related Summits.

Sinabi ni Remulla na tinanggap niya ang hamon ni Pa­ngulong Marcos na pangasiwaan ang DILG para makatulong hindi lamang sa kanyang lalawigan kundi sa buong bansa.

Sa simula pa lamang aniya ay adhikain na niya na palakasin ang kakayahan ng lokal na pamahalaan at ng pambansang pulisya para maging pantay ang karapatan ng lahat tungo sa mas mabuting kinabukasan.

Matapos ang 29 taon na nagsisilbi sa lokal na pamahalaan ng Cavite, iiwan niya itong maayos ang kalagayan at bilang patunay ay kinilala ang lalawigan bilang pinaka business friendly province sa Pilipinas.

Pinasalamatan naman niya ang kanyang mga kababayan sa pagsuporta sa kaniyang buong panahong pagseserbisyo sa lalawigan.

Ang dati rin aniyang nakagawian na pag-aanunsiyo ng hashtag na walang pasok season ay hindi na lamang sa Cavite kundi maging sa buong PIlipinas na.

vuukle comment

DILG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with