Ex-Mandaluyong Rep. Gonzales sasabak muli sa 2025 polls

MANILA, Philippines — Nais ni dating Mandaluyong Rep. Alexandria “Queenie’ Pahati Gonzales na muling magbalik bilang miyembro ng Kamara matapos na pormal na maghain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa pagka-kongresista ng Lone District ng lungsod ng Mandaluyong.

Si Queenie ay sinamahan ng kaniyang mister na si Mandaluyong City Rep. Neptali “Boyet “ Gonzales III sa paghahain ng COC sa Comelec National Capital Region (NCR) Office Headquarters sa San Juan City. Si Rep. Boyet ay hindi tatakbo sa reelection.

“I am deeply honored to have the opportunity to serve the people of Mandaluyong once again. There is still so much work to be done, and I am dedicated to continuing the initiatives that have a direct impact on the lives of our constituents,” ayon kay Gonzales, kilalang public servant at dating reporter ng TV 5 news channel.

Si Queenie ay dati ng nagserbisyo bilang Kongresista ng Mandaluyong City mula 2016 hanggang 2019. Sa kabila ng pagiging neophyte legislator ay nakilala ito matapos na maging dating Deputy Majority Leader.

Ang panunungkulan ni Queenie ay naging malaking kontribusyon sa kalusugan, edukasyon at imprastraktura na sumasalamin sa commitment nito para sa kapakanan ng kaniyang mga constituents. Kabilang din sa isinulong ni Queenie ay ang vaccination laban sa cervical cancer sa mga kabataang kababaihan sa kaniyang distrito.

Show comments