Willie Revillame, tatakbo sa pagka-senador

MANILA, Philippines — Maging ang sikat na TV host na si Willie Revillame ay nakatakda na ring lumahok sa May 2025 senatorial race.

Nakatakda umanong maghain ng kandidatura si Revillame ngayong Martes, na siyang huling araw ng filling ng Certificate of Candidacy (COC).

Hindi pa batid kung anong partido ang ire-represent ni Revillame sa kanyang pagtakbo o kung ­independent ba ito.

Matatandaang si Revillame na kilala sa pagiging ­komedyante at mang-aawit na higit pang nakilala sa kanyang galing sa hosting ng kanyang sariling programa.

Si Revillame ang host ng sikat ngayong TV show na Will to Win ng TV 5.

Show comments