^

Bansa

Trust rating ni VP Sara bumulusok

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Sa ‘di pagsagot sa OVP, DepEd budget

MANILA, Philippines — Ang pagkabigo ni Vice President Sara Duterte na ipaliwanag ang kinukuwestyong paggastos nito sa pondo ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) ang nakikitang dahilan ni House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe ng Zamboanga City sa pagbulusok ng rating nito.

Ang pahayag ni Dalipe ay kaugnay ng resulta ng survey ng Stratbase, Inc. kung saan bumaba sa 29% ang trust rating ni VP Duterte mula sa 45% noong Hulyo, o pagbaba ng 16% noong Setyembre.

Ang porsyento ng mga sumagot na may “mataas na tiwala” kay Duterte ay bumaba ng 10%.

Naniniwala si Dalipe na ang patuloy na pag-iwas ni VP Duterte na harapin ang mga paratang ng umano’y iregularidad sa OVP at sa kanyang panahon bilang kalihim ng DepEd sa mga pagdinig sa Kongreso ay nagdulot ng lumalaking kawalan ng tiwala ng publiko sa kanya bilang isang halal na opisyal.

Ito na ang pinakamalaking pagbagsak sa ratings sa hanay ng mga pangunahing opisyal ng gobyerno ng bansa.

“Sa palagay natin, nagde-demand ng transparency at accountability ang taum­bayan kay VP [Sara] sa gitna ng napakaraming tanong na hindi niya sinasagot o masagot. Repleksyon ito kung anong klaseng lider ka kasi dapat iniingatan natin ang pondo ng bayan,” ayon kay Dalipe.

Batay sa resulta ng survey, pinakamalaking pagbaba ni Duterte sa Luzon (hindi kasama ang National Capital Region). Mula sa 36% noong Hunyo ay bumaba ito sa 11% noong Setyembre o 25% pagbaba.

Bumaba naman ng 21% ang trust ni Duterte sa NCR o naging 13% mula 34%; sa Visayas ay bumaba ito ng 15% at naging 25%; Mindanao ay nakapagtala naman si Duterte ng 4% pagtaas at naging 75%.

Ang trust rating ni Duterte ay naapektuhan maging sa urban at rural areas at naramdaman din sa lahat ng socio-economic classes, na may pinakamalaking pagbaba sa mga upper at middle class (ABC) na bumagsak ng 26%; Class D, 15%; Class E, 9%.

DEPED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with