^

Bansa

20 milyong Gen Z voters, inaasahan sa 2025 elections

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
20 milyong Gen Z voters, inaasahan sa 2025 elections
Residents fill out forms as they line up at a Commission on Elections (Comelec) satellite voter's registration at a mall in Masinag, Antipolo, Rizal on August 20, 2024.
STAR / Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Aabot sa mahigit 20 milyong botante, na kabilang sa tinaguriang ­Generation Z, ang inaasahang lalahok at boboto para sa nalalapit na May 2025 National and Local Elections (NLE).

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, kung ang pagbabasehan ay ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), aabot sa 24 ­milyon ang mga botanteng kabilang sa natu­rang henerasyon, kasama na ang mga edad 15-17 years old.

Aniya, “More or less, nag-e-expect tayo ng mga hanggang 20 million members of Gen Z na mga kabataan.”

Ang Generation Z (Gen Z), o yaong mga indibidwal na ipinanganak sa pagitan ng mga taong 1997 at 2012.

Kaugnay nito, nanindigan din naman si Garcia na mahalaga ang boto ng kabataan sa mga halalan.

Aniya pa, “Yung votes nila will matter. Ganyan kahalaga ang boto nila sapagkat sila ang magdidikta ng kinabukasan ng ating bayan.”

Sa datos ng Comelec, aabot sa 65 milyon ang botante para sa midterm polls.

NLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with