MANILA, Philippines — Nakahanda umano si dating Pangulong Rodrigo Duterte na humarap sa quad committee hearing ng Kamara matapos siyang imbitahin tungkol sa madugong “war on drugs” ng kanyang administrasyon. “If it’s still pleasure, why not. Anong gusto nilang malaman sa akin,” ani Duterte.
Inamin ni Duterte na nangyari ang umano’y extrajudicial killings pero itinanggi ang operasyon ng POGO sa Davao.
Idinagdag ni Duterte na umaasa siya na “educational questions” ang itatanong sa kanya ng mga mambabatas.
“Kung iimbitahan nila ako. I just hope that they would ask educated questions,” ani Duterte.
Samantala, nag-alok din si Duterte ng suportang legal sa mga dating opisyal ng PNP na iginigisa sa pagdinig sa Kamara.
“They will have my support legally. Iko-konsulta ko sa mga abugado. All I can do is provide them with lawyers. Tutulong talaga ako sa pulis at military. Lalo na in the performance of their duty, itataya ko pati sarili kong reputasyon,”ani Duterte.
Nauna rito, napaulat noong Setyembre na sinabi ni Surigao Rep. Robert Ace Barbers na hindi nila papatawan ng contempt si Duterte kahit pa inisnab nito ang pagdinig tungkol sa madugong “drug war” noong nakaraang administrasyon.