MANILA, Philippines — Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Tingog Partylist Reps. Yedda K. Romualdez at Jude Acidre, DSWD Sec. Rex Gatchalian, at iba pang ahensya ang paghahatid ng halos P100 milyong halaga ng tulong sa 11,808 benepisyaryo sa Davao Region kasama ang healthcare worker, estudyante, kabataan, at mga guro.
Sa ilalim ng flagship program ni Pangulong Marcos na Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP), na pinasimulan ng Kamara sa pangunguna ni Speaker Romualdez at DSWD, inanunsyo ni House Deputy Secretary General Sofonias “Ponyong” P. Gabonada ang payout ng AKAP sa iba’t ibang sektor sa Davao Region para sa libu-libong indibidwal at pamilya na may kabuuang halagang P91.955 milyon.
“With the instruction of President Marcos, we will continue to deliver direct assistance to our people, especially with the good news about the inflation last month that eased to 1.9 percent from 3.3 percent in August and 4.4 percent in July,” ani Romualdez.
“From the national level down to local officials, President Marcos is working very hard through unity and cooperation to deliver meaningful support and uplift the lives of the Filipino people,” dagdag niya.
“The Marcos administration is very responsive to the needs of our people, and it is our commitment that no Filipino should feel abandoned during crises. Tingog will always work hard to ensure that aid will be delivered to those who need it most,” sabi naman ni Rep. Yedda Romualdez.
Sinabi naman ni Acidre na magpapatuloy na makakatuwang ng administrasyong Marcos ang Tingog party-list sa paghahatid ng tulong sa mga nangangailangan sa anumang sektor ng lipunan.
Sinabi ni Gabonada na ang AKAP payout ay ginanap noong Oktubre 2 sa Davao de Oro State College (DDOSC) New Bataan Campus, kung saan 2,190 estudyante ang nakatanggap ng tig-P2,000 tulong o kabuuang P4.38 milyon.
Sa payout sa Davao Regional Medical Center (DRMC) sa Tagum City, binigyan ang may 2,288 benepisyaryo ng tig-P10,000 o P22.88 milyon.
Samantala, binigyan ng P56.09 milyon ang may 5,609 benepisyaryo sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa Davao City, tig-P10,000.
Natulungan din noong Okt. 5 ang 1,721 guro sa pribadong paaralan sa Tagum City na nakatanggap ng tig-P5,000 o P8l.605 milyon.