Disqualification order vs Alice Guo ikinakasa na ng Comelec
MANILA, Philippines — Maglalabas ng rekomendasyon ang Commission on Elections (Comelec) bago matapos ang Oktubre sa misrepresentation case ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at sa iba pang kumakandidato kaugnay sa ipinataw na perpetual disqualification ng Office of the Ombudsman.
Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na natanggap na ng poll body ang kautusan ng Ombudsman na tuluyang diniskwalipika si Guo sa paghawak ng public office na maaari na nilang ipatupad.
Kabilang sa pagbabatayan para matanggal ang isang kandidato kung idineklara bilang isang nuisance candidate, nahaharap sa reklamo ng misrepresentation o iniutos ng Ombudsman na tuluyang madiskuwalipika sa paghawak ng pampublikong tungkulin.
Nilinaw niya na hindi na kailangan pang hintayin ng Comelec ang magiging desisyon sakaling may apela sa mataas na hukuman tungkol sa kautusan ng Ombudsman.
“Mukha ho kasing may ibinigay sa amin na desisyon ang Office of the Ombudsman patungkol sa kanya... as far as the Comelec is concerned, we will enforce or implement the Ombudsman’s decision,” aniya.
Bukod kay Guo, ilang mga opisyal pa sa iba’t ibang lalawigan ang may disqualification case na dinidinig ang Comelec.
- Latest