MANILA, Philippines — Nagbitiw na sa kanyang puwesto si Social Security System (SSS) President Rolando Macasaet.
Ito ay matapos tanggapin ni Macasaet ang nominasyon bilang kinatawan ng SSS-GSIS Pensyonado Partylist.
Nagsumite si Macasaet ng kanyang irrevocable resignation kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong October 3, 2024 at sinabi nito sa kanyang liham na maghahain siya ng Certificate of Nomination and Acceptance sa October 6, 2024.
Nagpasalamat din si Macasaet kay Pangulong Marcos sa oportunidad na makapagsilbi sa SSS.
Welcome naman sa SSS-GSIS Pensyonado Partylist ang pasya ni Macasaet.
“As former chief of SSS and GSIS, Mr. Macasaet has a firm understanding of how the national pension system works and as a pensioner himself, he knows what are the limitations of these institutions - limitations which may be addressed through legislative representation,” pahayag ni SSS-GSIS Pensyonado Partylist spokesperson Fercival Yutan.
Ilang reporma at programa na rin ang ipinatupad ni Macasaet nang mamuno sa SSS at itinaguyod ang kapakanan ng mga miyembro at pensyonado ng SSS.