Bong Go sa barangay leaders: Dapat serbisyong may malasakit

MANILA, Philippines — Kinilala ang kritikal na papel ng barangay sa ­paghahatid ng serbisyo ng gobyerno sa komunidad, personal na dumalo si Senator Christopher “Bong” Go sa Liga ng mga Barangay Cluster 5 National Congress noong Martes sa SMX Convention sa Pasay City.

Ipinakita sa okasyon ang pagkakaisa at pangako ng mga lider ng barangay mula sa mga lalawigan tulad ng La Union, Apayao, Benguet, Ifugao, Mr. Province, Kalinga, Aurora, Tarlac, Bulacan, Zambales, Bataan, Nueva Ecija, Pampanga, Quezon, Romblom, Mindoro Occidental, Min­doro Oriental, Marinduque, Albay, Catanduanes, Ca­marines Sur, Camarines, Norte, Masbate, at Iloilo.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Go ang kanyang patuloy na pangakong palalakasin ang tungkulin ng mga opisyal ng barangay bilang frontline ng gobyerno at pangunahing venue kung saan maaaring humingi ng agarang tulong ang publiko.

“Basic delivery of government services, kayo po ang nagdadala. Ang dapat nating pasalamatan ngayong araw na ito ay kayo po, mga barangay captain, mga barangay officials. Sa panahon ng pandemya kayo po ang hero. Naiintindihan ko po ang trabaho ng mga kapitan kaya full support po ako sa inyo nung 2019, 2022, at ngayon po kung anong makabubuti na isulong pa natin, susuportahan ko po ang ating mga barangay officials,” ayon kay Go.

“Isa lang po ang pakiusap ko sa inyo, huwag n’yo pong pabayaan ang ating mga kababayang mahihirap, mga hopeless at helpless na walang ibang matakbuhan kundi tayong mga nasa gobyerno,” dagdag niya.

Binigyang-diin ni Go na mahalaga ang paglilingkod nang may habag at pagpapakita ng walang pasubaling aksyon upang matulungan ang mga Pilipinong nangangailangan.

Show comments