MANILA, Philippines — Mas lalo pang bumaba ang inflation rate ng bansa sa 1.9% ngayong Setyembre mula sa 3.3% noong nakaraang buwan lamang. Base sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumagsak sa 1.9% ang inflation ng bansa kumpara sa 3.3% noong Agosto. Tingin ng ilang ekonomista, ito marahil ay dala ng pag-alis ng taripa ng mga imported na bigas at inaasahang bababa na ang presyo ng bigas. Ayon pa sa ilang eksperto, ang sunud-sunod na job fair ng pamahalaan at pagkakaroon ng mga trabaho ng tao ay isa rin sa mga dahilan ng pagbuti ng inflation.
Tingin naman ng Kongreso, ang walang humpay na pagbibigay ng tulong ng administrasyong Marcos sa mga magsasaka at mahihirap at sa mga estudyante sa mga Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ang dahilan din ng pagganda ng inflation rate. "We will continue to support the programs of Pres. Marcos para mas mapaganda pa ang buhay ng mga kababayan natin," ani House Speaker Martin Romualdez. Dagdag pa niya, "Gagawin namin ang lahat dito sa Kongreso para maiangat pa ang buhay ng mga Pilipino."