^

Bansa

PhilHealth inalis na ‘single confinement policy’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
PhilHealth inalis na ‘single confinement policy’
Individuals continue to avail services as face-to-face operations and transactions continue at the Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) in Quezon City on September 26, 2023.
STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Tuluyan nang inalis ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang kanilang single confinement policy, kung saan ang mga benepisyaryo nila ay maaari lamang mabigyan ng benepisyo ng isang beses dahil sa kaparehong karamdaman sa loob ng 90-araw.

Ayon kay PhilHealth Senior VP at spokesperson Israel Francis Pargas, sinimulang alisin ang naturang polisiya simula pa noong Oktubre 1.

Bunsod nito, lahat aniya ng miyembro ng PhilHealth na mako-confine o mare-readmit sa kaparehong karamdaman ay maaari nang makakuha ng parehong benepisyo.

“Lahat ng miyembro na maco-confine o mare-readmit for the same illness ay makakakuha na po o makaka-avail na po ng benepisyo ng PhilHealth,” ani Pargas, sa panayam sa radyo.

Kaugnay nito, iniulat din ni Pargas na noong 2023, nasa 1,700 na pneumonia patients ang tinanggihan ng PhilHealth matapos na muling maospital sa parehong sakit sa loob ng 90-araw, dahil sa naturang polisiya.

Kabilang aniya ang pneumonia sa tatlong pangunahing sakit na madalas na ma-readmit sa pagamutan, kasama ang acute gastroenteritis at urinary tract infection (UTI).

Nabatid naman na ang hemodialysis at chemotherapy patients ay exempted mula sa single confinement policy bago pa man ito tuluyang tinanggal ng PhilHealth.

 

PHILHEALTH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with