MANILA, Philippines — Sa kabila ng dinaranas na sakit na sarcoma cancer, naghain na ng kanyang kandidatura sa pagka-senador ang doctor-vlogger na si Doc Willie Ong.
Ang certificate of candidacy (COC) ni Doc Willie ay inihain ng kaniyang asawang si Doc Liza Ong kahapon ng umaga sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec), sa Manila Hotel.
Kasamang dumating ni Doc Liza ang legal counsel nitong si Gilbert Lauengco at si senatorial candidate Wilbert Lee.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang ginang sa mga taong nagdarasal para sa kanyang asawa.
Una nang inianunsiyo ni Doc Willie na tatakbo siya bilang senador sa 2025 midterm elections para sa mga Pilipino.
Aniya pa, “Tatakbo tayo. Ipapakita natin na tunay ang Diyos. This time we’re gonna win this.”
Kasalukuyang nasa Singapore ang doctor-vlogger upang magpagamot.