^

Bansa

Bong Go muling sasabak sa 2025 senatorial race

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kilala bilang “Mr. Malasakit” sa kanyang malawak na people-centered, service-oriented agenda, pormal na naghain kahapon si Senator Christopher “Bong” Go ng certificate of candidacy para sa kanyang reelection bid sa darating na 2025 senatorial elections.

Bukod sa mga nagawa na sa kanyang unang termino bilang senador simula 2019, plano ni Go na ipagpatuloy at lalo pang palakasin ang kanyang mga adbokasiya sa kalusugan, seguridad sa pagkain, trabaho, edukasyon, kabataan at pagpapaunlad ng palakasan.

“Hindi ko po sasayangin ‘yung pagkakataon na ibinigay niyo sa akin. Magtatrabaho po ako para sa Pilipino. Iyan ang aking maiaalay sa inyo — ang kasipagan ko sa pagtatrabaho at pagtulong sa abot ng aking makakaya. Bisyo ko ang magserbisyo at naniniwala ako na ang serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos,” idiniin ni Go. 

Itinatampok ng legislative agenda ni Go na tugunan ang ilan sa mga pinakamabigat na isyu na kinakaharap ng mga Pilipino ngayon.

Bilang tagapangulo ng committee on health sa Senado, palaging inuuna ni Go ang pagpapalawak ng pangangalagang pangkalusugan, partikular sa pamamagitan ng Malasakit Centers Act, na pangunahin niyang iniakda at itinataguyod.

Ang inisyatibang ito ay nagpabilis ng access sa mga programang tulong-medikal kung saan ay mahigit 15 milyong Pilipino na ang nakinabang, batay sa sa datos ng DOH.

Titiyakin din niya na ang mga pondo para sa kalusugan ay magagamit sa pagprotekta sa kalusugan gayundin ang pagtataguyod ng kagalingan ng mga Pilipino.

Maaalalang si Go ang walang pagod na nagsulong ng mga reporma sa PhilHealth upang palawakin ang mga benepisyo nito, bawasan ang premium contributions, taasan ang case rate, magbigay ng mga libreng gamot, at i-update ang mga patakaran nito tulad ng pagbasura sa Single Period of Confinement Policy.

ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with