Batanes, signal no. 4 kay ‘Julian’

Alas-5 ng hapon kahapon, ang sentro ng bagyo ay namataan sa layong 95 kilometro kanluran timog kanluran ng Itbayat, Batanes at kumikilos pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 km per hour.

MANILA, Philippines — Patuloy pa ring nakakaranas nang malakas na bugso ng hangin at ulan ang Batanes area makaraang sumailalim ito sa Signal No. 4 ng bagyong Julian.

Alas-5 ng hapon kahapon, ang sentro ng bagyo ay namataan sa layong 95 kilometro kanluran timog kanluran ng Itbayat, Batanes at kumikilos pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 km per hour.

Si Julian ay may taglay na lakas ng hangin na umaabot sa 175 kph at pagbugso na umaabot sa  215 kph.

Nakataas naman sa Signal number 3 sa northern at western portions ng Babuyan Islands at Signal number 2 sa northern at western portion ng Mainland Cagayan kasama na ang nalalabing bahagi ng Babuyan Islands, Apayao, Abra, Kalinga, Ilocos Norte, at northern at central portions ng Ilocos Sur.

Signal number 1 sa nalalabing bahagi ng Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Ifugao, Mountain Province, Benguet, nalalabing bahagi ng  Mainland Cagayan.

Si Julian ay inaasahang kikilos sa pakanluran pa­puntang hilagang kanluran habang may paghina sa may Bashi Channel.

Ngayong Martes, October 1, si Julian ay magsisimulang mag-recurving habang mahina ang pagkilos at saka liliko sa pahilagang silangan sa Miyerkoles, October 2 papuntang southwestern coast ng Taiwan kung saan ito ay inaasahang dito mag-landfall. Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa Huwebes.

Show comments