MANILA, Philippines — Nanawagan kahapon si Sen. Risa Hontiveros sa Department of Foreign Affairs (DFA) at sa Department of Migrant Workers (DMW) na ibalik sa bansa ang maraming mga Pilipino na nasa Lebanon sa lalong madaling panahon.
Ayon kay Hontiveros, dapat ay may mga nakalatag ng contingency plans ang ating mga ahensya sakaling lumalala ang sitwasyon.
Naniniwala si Hontiveros na ginagawa ng gobyerno ang lahat para matiyak ang seguridad, kaligtasan at kapakanan ng mga OFWs sa gitna nang lumalalang tensiyon.
Nanawagan din si Hontiveros sa mga OFWs na makipag-ugnayan sa embahada sa lalong madaling panahon.“Titiyakin namin sa Senado na dapat magkaroon ng livelihood assistance ang mga babalik sa bansa,” dagdag ni Hontiveros.
Sa ngayon aniya ay mahalaga na ligtas na makauwi ang mga Pilipino.