^

Bansa

Pagpapalawig sa pondo ng gobyerno sa pangkabuhayan, isinusulong ni Tulfo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pagpapalawig sa pondo ng gobyerno sa pangkabuhayan, isinusulong ni Tulfo
Sa kanyang pahayag sa founding anniversary ng Market Vendors Coo­perative ng Puerto Prin­cesa City nitong linggo lang, sinabi ni Cong. Tulfo na, “May libreng pondo na ipinamamahagi ang DSWD sa mga walang hanapbuhay at kinikita na P15,000 bawat tao.”
(Photos by KJ Rosales / The Philippine STAR)

MANILA, Philippines — Isinusulong ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo ang pagpapalawig pa ng pamahalaan sa pamamahagi ng libreng pondo pang hanapbuhay ng mga mahihirap at walang kinikita sa bansa.

Sa kanyang pahayag sa founding anniversary ng Market Vendors Coo­perative ng Puerto Prin­cesa City nitong linggo lang, sinabi ni Cong. Tulfo na, “May libreng pondo na ipinamamahagi ang DSWD sa mga walang hanapbuhay at kinikita na P15,000 bawat tao.”

“Ito ay sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng ahensya para matulungan ang mga pamilya na kapos o walang kinikita,” aniya.

Nabatid na ang SLP ay tulong ng administrasyong Marcos para maiangat ang antas ng buhay ng mahihirap na Pilipino.

Sa ngayon may P7.4 bilyong pondo ang SLP para sa taong 2024.

“Kailangan lakihan pa ang pondong ito sa susunod na taon para mabigyan din ang mga solo parents, senior citizens at PWDs na kalimitan ay kulang o walang kinikita para maitawid ang panga­ngailangan sa pang-araw-araw na gastusin,” anang House Deputy Majority leader.

“Ito naman talaga ang gusto ng Pangulo na sabay-sabay tayong lahat sa pagbangon lalo na ang mga mahihirap at walang kinikita,” dagdag pa ni Tulfo.

vuukle comment

ERWIN TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with