^

Bansa

Valenzuela City pinuri sa paglikha ng public space

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinuri ni Sen. Francis “Tol” Tolentino ang Valenzuela City sa paglikha ng pampublikong espasyo para sa mga senior citizen at health buffs na makapaglakad o mag-jogging nang walang panganib ng mga sasakyan matapos pasinayaan kamakailan ang 1.5-km boardwalk na itinayo sa isang flood-control project.

Binati ni Tolentino si Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian sa malikhain at makabagong paraan ng pagtatayo ng open public space sa isang fully built-up urban area na ayon sa senador ay maaaring gayahin sa iba pang lungsod sa Metro Manila.

“This project, as I see it, is a “Galing Pook” example for an award,” anang senador.

Sinabi ni Gatchalian na ang boardwalk, isang walang harang na walkway na tumatawid sa mga barangay ng lungsod ng Coloong, Tagalag, at Wawang Pulo, ay binuksan sa publiko noong Setyembre 21.

“Ang pangunahing layunin nito ay upang kontrolin ang pagbaha at pangalawa, upang itaguyod ang isang malusog na pamumuhay para sa mga senior citizen at lahat ng tao sa isang lugar na walang sasakyan,” sabi ng alkalde.

Ang flood control project na itinayo sa pamamagitan ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ay humahadlang sa tubig-baha mula sa Meycuayan at pinoprotektahan ang apat na baryo.

vuukle comment

FRANCIS “TOL” TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with