Pangulong Marcos inalala yumaong ama
MANILA, Philippines — Nagbigay ng madamdaming mensahe si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ika-35 anibersaryo ng kamatayan ng yumaong ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Sa facebook post ng Pangulo, umaasa siya na proud sa kanya ang ama ngayon.
“My father lived in service to our country. He advocated for development, justice, unity and nationalism. Above all his beliefs was his faith in the Filipino people,” pahayag pa ni Pangulong Marcos.
“Thirty-five years ago, I made a promise to honor his life’s work by building on this foundation. In some way, I hope that I have made you proud, Dad. We miss you every day,” dagdag pa ng Pangulo.
Namatay ang dating Pangulo sa Hawaii habang naka-exile.
Nakahimlay ang kanyang labi sa Libingan ng mga Bayani.
- Latest