^

Bansa

‘White substance’ na iniabot kay Pangulong Marcos, lapel pin — PCO

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinabulaanan ng Presidential Communications Office (PCO) ang mga alegasyon tungkol sa umano’y sachet ng “white substance” na iniabot kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng isang sibilyan.

Paliwanag ng PCO na isang lapel pin na may simbolo ng Partido Fede­ral ng Pilipinas ang iniabot ng lalaki na naghihintay na makapag-selfie kay Pangulong Marcos.

Ipinakakalat sa video­na isang sachet na naglalaman ng ilegal na droga ang iniabot kay Pangulong Marcos.

Ayon sa PCO, nakadidismaya na ginagamit ang video para ipakalat ang maling naratibo.

Sinabi pa ng PCO na dahil sa pinutol at pina-blur ang video, nagbigay ito ng maling konteksto at nagkaroon ng iba’t ibang haka-haka at pinalalabas na white substance ang laman ng sachet.

Kaya payo ng PCO, mag-isip, magsaliksik at alamin ang buong kwento, obserbahan ang mga detalye, at huwag magpaloko sa fake news.

PCO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with