MANILA, Philippines — Mararanasan ang ikalawang solar eclipse ngayong 2024 sa darating na Miyerkoles, Oktubre 2 na tinawag na “ring of fire” – solar eclipse.
Ang solar eclipse na magaganap ay partial lamang o lalampas ang buwan sa araw pero sa pagkakataong ito ay partial lamang ng araw ang matatabunan ng buwan.
Ang eclipse ay hindi makikita sa Pilipinas pero visible sa Northern Hemisphere sa North America, Greenland, Europe at Northern Canada.