^

Bansa

Ex-PCSO, Napolcom chiefs itinurong ‘utak’ sa pagpatay sa lotto exec

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Ex-PCSO, Napolcom chiefs itinurong ‘utak’ sa pagpatay sa lotto exec
Former PCSO general manager attends congressional public hearing on extrajudicial killings on Sept. 27, 2024.
House of Representatives / Release

MANILA, Philippines — Inakusahan ng isang pulis sina dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma at National Police Commission (Napolcom) Commissioner Edilberto Leonardo na umano’y ‘nag-utos’ ng pagpatay sa lotto official noong 2020.

Sa kaniyang testimonya sa pagdinig ng Quad Comm, i isiniwalat ni P/Lt. Col Santie Mendoza ng PNP Drug Enforcement Group na inutusan umano siya ni Leonardo na isagawa ang pagpatay kay P/Brig. Gen. Wesley Barayuga, dating PCSO Board Secretary.

Si Barayuga ay ­inambus at napatay ng nag-iisang gunman sa panulukan ng Calba­yog at Malinao Streets sa Brgy. Highway Hills, Mandaluyong City noong Hulyo 2020 kung saan ang kill plot ay nagsimula pa noong Oktubre 2019 matapos siyang tawagan ni Leonardo.

Ayon kay Mendoza, sinabi sa kaniya ni ­Leo­nardo na si Garma ang may utos na patayin si Barayuga na umano’y sangkot sa illegal na droga.

“Sinabi ni Colonel Leonardo na ang pagsasagawa ng proyektong ito ang magdidikta sa direksyon ng aking karera bilang isang pulis,” ayon kay Mendoza kung saan noong una ay nag-aalinlangan siya dahil isang PCSO official ang target pero sinabi ni ­Leonardo na hindi na kailangan sapagkat ibibigay na sa kaniya ang profile at plate number, kulay at uri ng sasakyan ni Barayuga.

Pansamantalang naantala ang kill plot dahil may COVID-19 pandemic at nagpatuloy muli ito noong Hunyo 2020 kung saan kinontak ni Mendoza si Nelson Mariano, informer ng PNP, para humanap ng gunman na kinilala naman sa alyas Loloy.

Sinasabing si Garma pa ang nagbigay ng larawan ni Barayuga na nakunan sa pagpupulong ng PCSO para ibigay sa hitman sa pagtukoy sa target.

“Sinabi rin ni Colonel Leonardo na hindi na kami mahihirapan sa pagsasagawa ng operasyon dahil nag-isyu na si Ma’am Garma ng isang service vehicle para gamitin ni Wesley Barayuga, at binigay sa akin ang deskripsyon at plate number ng sasakyan,” ayon kay Mercado. Ang nasabing sasakyan ay inisyu mismo ng PCSO kay Barayuga na walang personal na behikulo at nagko-commute lang.

“Sinabi niya na maaari na naming tirahin si Wesley Barayuga pagkatapos niyang lumabas sa gusali. Ipinasa ko ang lahat ng impormasyong ito kay Nelson Mariano,” ayon kay Mendoza na sinabing natatakot siya sa kaniyang buhay at maging ng kaniyang pamilya gayundin sa maaring kahinatnan ng kaniyang career pero kailangan aniyang manaig ang katotohanan.

Matapos anya ang assassination kay Barayuga ay binayaran sila ni Garma ng P300,000 kung saan napunta ang P40,000 kay Mendoza at P60,000 kay Mariano habang ang P20,000 ay napunta sa hitman.

NAPOLCOM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with