^

Bansa

‘Julian’ magiging severe typhoon

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
�Julian� magiging severe typhoon
Ito ayon kay Cris Perez, chief weather services ng PAGASA ay batay sa nakikitang magiging kondisyon ni Julian sa susunod na mga araw.
PAGASA

MANILA, Philippines — Inaasahan na magiging isang severe tropical storm ang bagyong Julian sa susunod na tatlo hanggang limang araw.

Ito ayon kay Cris Perez, chief weather services ng PAGASA  ay batay sa nakikitang magiging kondisyon ni Julian sa susunod na mga araw.

Alas-5 ng hapon kahapon, si Julian ay namataan sa layong 445 kilometro silangan timog silangan ng Itbayat, Batanes o nasa layong 425 km silangan ng Basco, Batanes.

Si Julian ay kumikilos sa bilis na 20 km per hour taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 kph at pagbugso na 70 kph.

Ang bagyo ay patuloy na lalakas sa loob ng forecast period at mararating ang tropical storm category ngayong Sabado ng umaga at inaasahang lalakas sa araw ng Linggo.

Wala naman anyang tsansang makaapekto ang habagat sa bagyong Julian dahil ngayong patapos na Setyembre ay hihina na amg habagat.

Hindi rin anya maikukumpara si Julian sa nagdaang malalakas na bagyo tulad ni Carina dahil mas mahina ito sa mga nagdaang bagyo at hindi inaasahang mag-landfall.

Sa Lunes ay inaasahang nasa 275 km silangan ng Calagayan, Cagayan ang bagyong Julian.

vuukle comment

PAGASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with