Mga ex-rebelde nagkaisa vs armadong pakikibaka, kapayapaan isinusulong
MANILA, Philippines — Naniniwala ang mga dating rebelde na nagbalik loob sa gobyerno na tuluyan nang magwawakas ang armed struggle sa bansa.
Sa ginanap na tatlong-araw na Nationwide Peace Advocate Summit 2024 nitong Huwebes, nanawagan ang mga dating rebelde na tigilan na ang armadong rebelyon laban sa pamahalaan.
Ayon sa mga ito, walang kabutihang idinudulot ang armed struggle kundi gulo, karahasan at krimen.
Inilahad ng mga ito ang kanilang panunuligsa sa isang deklarasyon sa pamamagitan ng manipesto na nilagdaan ng halos 70 dating mga rebelde na pinamagatang “A Call for Unity, Progress, and Collective Healing”.
“We, former members of the Communist Party of the Philippines (CPP), are united and peacefully condemn the violence inflicted by the CPP-NPA-NDF and other forms of violence experienced by the Filipino people,” nakasaad sa manifesto.
Sinabi naman ni Undersecretary Ernesto Torres Jr, NTF-ELCAC Executive Director, na ang manifesto ay tanda ng pagbabago ng kaisipan ng mga dating rebelde na akapin na ang kapayapaan at hikayatin ang mga natitira pa nilang dating mga kasamahan.
- Latest