Ben Tulfo tatakbong Senador sa 2025

Ben Tulfo poses with Marawi Mayor Majul Gandamra at the mayor’s office yesterday.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Papasukin na rin ng broadcast journalist na si Ben Tulfo ang mundo ng pulitika matapos itong magpahayag ng kanyang kahandaang tumakbo sa pagka-Senador sa 2025 midterm elections.

Sa kanyang pagbisita sa Marawi City, inihayag ni Tulfo, 69, ang pagtakbo sa susunod na halalan bilang isang independent candidate.

Ayon kay Tulfo, masarap sa pakiramdam na makabalik at makita ang lugar kung saan siya pinanganak na dating kilala bilang Dansalan town.

“I was born here in Marawi at Camp Keithley. The blood of a warrior runs through my veins. I am not deep fake. I am authentic,” ani Tulfo.

Lumilitaw na ipinanganak si Tulfo nang ang kanyang ama ang hepe ng 75th Philippine Constabulary Company sa Camp Keithly, na isang dating military base ng Amerika.

Iginawad naman ni Marawi Mayor Majul Gandamra ang citation ng pagiging “Honorable Son of Marawi” ni Tulfo sa Marawi City Gymnasium.

“You have consistently offered your support and assistance to everyone, including members of the Islamic community, through most of your career regardless of your differing faith,” ani Gandamra.

Batay sa pinakahuling OCTA Research survey, mula sa Magic 12, uma­ngat sa No. 2 si Tulfo na mas kilala sa “Bitag”.

Sa nakuhang 57 porsiyento ni Tulfo, maituturing ng OCTA Research na ‘statistically tied’ ito sa No. 1 sa kanyang kapatid na si Erwin Tulfo ng ACT-CIS partylist na nakakuha ng 60 porsiyento na tatakbo  rin sa pagka-Senador.

Show comments