^

Bansa

Marcos pinirmahan Anti-Agricultural Economic Sabotage Act

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bilang na ang araw ng mga magsasamantala sa mga produktong agrikultural.

Ito ay dahil nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand

Marcos Jr. ang Republic Act No.12002 o ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act sa isang seremonya sa Malakanyang.

Layunin ng bagong batas na palakasin ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng paglansag sa mga iligal na aktibidad na naka-aapekto sa supply at presyo ng pagkain.

Kabilang sa mga illegal na aktibidad na ito ay ang smuggling, hoarding, profiteering at operasyon ng kartel.

Sa talumpati ng Pangulo,iginiit niya na ang mga krimeng ito ay banta hindi lang sa ekonomiya kundi sa national security.

Naglalagay rin anya ito sa alanganin sa kabuhayan ng mga Filipinong magsasaka at mangingisda, at banta sa food sustainability.

“To those who seek to sow chaos in the fertile fields and waters that sustain us: The hand of justice will swiftly and decisively find you,” pahayag pa ni Pangulong Marcos.

Ayon pa sa Pangulo, noong 2023 lamang, nasa P3 bilyon ang nawala sa gobyerno dahil sa agricultural smuggling.

Dapat aniya na kilalanin ang bigat ng sitwasyon, dahil ang naturang mga krimen ay hindi lang nagbabanta sa ating ekonomiya kundi sa pambansang seguridad na rin dahil malalagay sa panganib ang kabuhayan ng mga masisipag na pilipinong magsasaka at mangingisda at magbabanta rin ito sa food sustainability ng ating mga komunidad.

vuukle comment

ANTI-AGRICULTURAL ECONOMIC SABOTAGE ACT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with