PCG may barko nang nagpapatrulya sa Escoda

MANILA, Philippines — Matapos na umuwing gutom na gutom, uhaw na uhaw at dehydrated ang ilan sa mahigit 60 crew, balik na muli ngayon sa pagpapatrulya ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Escoda (Sabina) Shoal sa West Philippine Sea (WPS).

Ito’y sa gitna na rin ng mga espekulasyon na isinurender na ng Pilipinas sa China ang Sabina Shoal matapos magpullout dito ang BRP Magbanua (MRRV 9701) noong Setyembre 14.

Ayon kay National Security Council Spokesman Assistant Director General Jonatan Malaya, hindi umatras ang Pilipinas sa mandato nito sa WPS at iginiit na ang nangyari ay ‘repositioning’ lamang umano.

Nilinaw ng opisyal na kailangang ikumpuni muna ang barko matapos na magtamo ito ng pinsala at butas sa pambabangga ng Chinese Coast Guard (CCG) noong nakalipas na buwan.

Iginiit pa ni Malaya na una nang sinabi ni NSC Adviser Eduardo Año na magkakaroon ng ‘relief ship” ang BRP Teresa Magbanua.

Show comments