^

Bansa

Bentahan ng droga sa Iloilo City talamak sa panahon ni Mabilog -- Sen. Bato

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iginiit ni Senador Ronald ‘’Bato’’ dela Rosa na talamak ang ilegal na droga sa Iloilo City sa ilalim ng pamumuno ni dating Mayor Jed Mabilog.

Ayon sa Senador, ito ang dahilan kung bakit isinama si Mabilog sa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte noon, at hindi dahil kaalyado siya ng dating administrasyon.

Sa pag-upo ni Duterte, sinabi ni Bato na pinakamalakas ang bentahan ng shabu sa Iloilo City kaya doon tumutok ang mga intelligence agency ng gobyerno.

Katwiran ni Bato, kung susundan ang katwiran ni Mabilog na pulitika ang dahilan, sana nilagay na ni Duterte ang lahat ng mga lokal na opisyal sa buong Pilipinas dahil marami sa kanila ang hindi sumuporta sa kanyang kandidatura noong 2016.

Aniya, wala ring dahilan para iugnay ng Duterte administration sina dating Senador Mar Roxas at Franklin Drilon sa ilegal na droga, gaya nang akusasyon ni Mabilog, dahil natalo sila sa halalan noong 2016.

Nanawagan si Bato kay Mabilog na magsabi ng katotohanan at huwag sumunod sa script na gawa ng iilang tao.

Sa kanyang pagharap sa House Quad Committee, ikinatwiran ni Mabilog na napilitan daw siyang abandonahin ang mga Ilonggo noong 2017 at nanatili sa ibang bansa ng pitong taon matapos isangkot ni Duterte sa droga.

Habang nasa ibang bansa, pinatawan ng Ombudsman si Mabilog ng perpetual disqualification sa paghawak ng anumang puwesto sa gobyerno matapos siyang mapatunayang guilty sa kasong “serious dishonesty” dahil sa hindi maipaliwanag niyang yaman.

Kahit na itinanggi ni Mabilog ang kinalaman sa ilegal na droga, hindi pa riyan natatapos ang kanyang problema dahil plano ng Department of Justice (DOJ) na silipin ang kanyang kaugnayan dito.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with