Revilla nag-iisang senatorial bet ng Lakas-CMD sa 2025 polls

Senators Bong Revilla on February 26, 2024.

MANILA, Philippines — Itinalaga si Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. bilang opisyal na senatorial candidate ng partidong Lakas-Christian Muslim Democrats (LAKAS-CMD) sa darating na 2025 midterm elections.

Sa isang resolusyon na pinagtibay sa national convention ng partido sa Malakanyang, si Revilla ang itinalaga bilang nag-iisang kandidato ng Lakas-CMD para sa posisyon sa mataas na kapulungan ng Kongreso.

Tinanggap naman ni Revilla na kasalukuyan din nakaupo bilang chairperson ng partido at nominasyon at pinasalamatan si LAKAS-CMD President House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at iba pang party-mates sa ibinigay sa kanyang tiwala.

“Mga kasama, hangad ko na patuloy tayong magtutulungan para sa mas maliwanag na kinabukasan ng ating bayan. Ang tiwala na muling ibinigay ninyo sa akin ay isang responsibilidad na buong puso kong tatanggapin at dadalhin,” ayon pa kay Revilla.

PInuri naman ng Senador si Romualdez at inihayag ang kontribusyon nito sa partido sa mga nakaraang taon kaya nagkaroon ng pagkakaisa ang kanilang partido.

“Under Speaker Martin’s leadership, our party has reached an unprecedented level of solidarity. Through him, our commitment to the mission of our organization has grown stronger than ever. He is the key to why Lakas is now the ruling party of our nation! And because of this, I can confidently say to all of you, we are truly in good hands,” dagdag pa ng LAKAS stalwart.

Si Revilla ay miyembro ng partido simula ng siya ay bise-gobernador ng lalawigan ng Cavite kung saan nasa 30 taon na siyang miyembro dito at nasa ika-apat na termino na niya sa Senado kung saan naging ganap na batas na ang ilan sa kanyang mga panukalang batas tulad ng‘Kabalikat sa Pagtuturo Act’ (RA 11997), ‘Expanded Centenarians Act’ (RA 11982), ‘No Permit, No Exam Prohibition Act’ (RA 11984), ‘Free College Entrance Examinations Act’ (RA 12006), and ‘Permanent Validity of the Certificates of Live Birthday, Death, and Marriage Act’ (RA 11909).

Ang LAKAS-CMD ay isa sa nangungunang political parties na binuo sa ilalim ng alyansa ng partido ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na Partido Federal ng Pilipinas bilang paghahanda sa 2025 elections.

Show comments