Alice Guo kinanta ‘crucial personality’ sa illegal POGOs

The Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, chaired by Senator Risa Hontiveros, resumes its probe on the reported human trafficking, cyber fraud operations, and other offenses involving POGOs on September 24, 2024

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni dating Bamban mayor Alice Guo ang teorya ng Senado tungkol sa isang “crucial personality” na nasa likod ng operasyon ng mga ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa sa executive session nitong Martes.

Inamin ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros, chair ng Committee on Women, Children, Family Relations at Gender Equality na hindi siya masyadong na-satisfied sa mga pahayag ni Guo sa Executive Session pero may isang “crucial personality” ang kinumpirma ni Guo.

“Hindi pa rin ako masyadong satisfied sa mga pahayag sa Executive Session, bagama’t there was one crucial personality confirmed by Guo Hua Ping. Ito ay nagpapatunay sa isang teorya na ibinahagi ng Komite noong isang buwan,” sabi ni Hontiveros.

Ang executive session ay tumagal lamang ng ilang minuto at magpapatuloy sa susunod na linggo.

Bagaman at hindi nakadalo sa Executive Session si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada, sinabi nito na ang ibinunyag ni Guo sa mga senador ay pangalan ng kaparehong tao na isinulat niya sa papel sa naunang pagdinig.

“Wala naman masyadong vital information na isiniwalat si Alice Guo. ‘Yung pinalista kong pangalan sa papel, ‘yun pa rin,” sabi ni Estrada sa panayam sa radyo.

Samantala, idinagdag ni Hontiveros na dahil lumutang sa pagdinig ang larawan ng isang dating hepe ng PNP kasama ang mga isinasangkot sa POGO, dapat ay bigyan sila ng pagkakataon na sumagot.

Show comments