^

Bansa

Tony Yang umaming Chinese

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Tony Yang umaming Chinese
Tony Yang, the older brother of former presidential economic adviser Michael Yang, faced the continuing inquiry of the Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality on human trafficking and other criminal activities within Philippine offshore gaming operations on Tuesday, September 24, 2024.
Voltaire F. Domingo/ Senate Social Media Unit

MANILA, Philippines — Inamin ni Tony Yang sa pagdinig sa Senado na gumagamit sila ng iba’t ibang pangalan sa mga opisyal na dokumento ng gobyerno.

Inamin din ni Yang na ang totoo niyang pangalan ay Yang Jianxin, at ipinanganak sa Fujian, China.

Sinabi ni Yang na ang kanyang lolo sa ina ang nag-ayos ng kanyang paglipat sa Pilipinas.

Sa pamamagitan ng isang interpreter, sinabi ni Yang na gumamit siya ng English name para makapag negosyo sa Pilipinas.

Iniharap ni Sen. Risa Hontiveros ang Philippine birth certificate ni Yang na katulad ng kaso ni dating Bamban Mayor Alice Guo ay huli na nairehistro sa Philippine Statistics Authority.

Ang pangalan sa birth certificate ni Jianxin ay Antonio Lim, at ang kanyang lugar ng kapanganakan ay nakalista sa Misamis Oriental.

Ang lugar naman ng kapanganakan na nakalista sa TIN ni Yang ay Cagayan de Oro.

Bukod sa mga nabanggit na pangalan, iba rin ang nakarehistro na pangalan ni Yang sa kanyang driver’s license sa LTO na isang Antonio Maestrado Lim.

“So for the record Mr. Yang confirmed that he is also Antonio Maestrado Lim aside from Tony Yang, aside from Jang Jianxin. At hindi ako makapaniwala quarter of a century na kayo dito sa Pilipinas sa Cagayan de Oro hindi pa kayo marunong mag Visaya o mag Filipino. Dili ako buang para maniwala diyan,” ani Hontiveros.

Si Yang ang may-ari ng steel company na Phil Sanjia Corporation, na nahaharap sa mga reklamo ng mga empleyado nito dahil sa hindi nito pagbabayad ng kanilang mga benepisyo sa gobyerno.

Si Yang ay kapatid ni Michael Yang, ang dating economic advisor ni dating pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa  Phramally scandal ng nakaraang administrasyon.

vuukle comment

CHINESE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with