^

Bansa

Bagong batas magbibigay ng kapayapaan sa mahigit 500,000 seafarers

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Asahan na magbibibay ng kapayapaan sa kaisipan at titiyak rin sa mahigit 500,000 Pinoy seafarers habang titiyak rin sa proteksyon sa kanilang hanay ang pagsasabatas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa “Magna Carta of Filipino Seafarers Act ‘.

Sinabi ni Quezon City 1st District Rep. Juan Carlos “Arjo” Atayde na pinupuri niya ang pag­lagda ni Pangulong Marcos sa nasabing bagong batas dahil maliban sa mga seafarers ay mapapanatag rin ang pamilya ng mga ito.

Si Atayde, ay isa sa may akda ng panukalang batas na iginiit na maproprotektahan ang tinatayang 578,626 Filipino seafarers na nakakapag-remit sa bansa ng mahigit 6.8 bilyong US dollars.

“Maraming magandang probisyon ang batas. But the challenge to us is to ensure that it is properly implemented so that our sea-based kababayan can maximize the benefits of the law,” pahayag ni Atayde.

“The success of the Magna Carta depends on how effectively it is enforced. Implementing agencies like the Department of Migrant Workers (DMW), Department of Labor and Employment (DOLE), and the Maritime Industry Authority (MARINA) must ensure that both local and international employers follow the provisions of the law,” ayon kay Atayde, isa sa mga naimbitahan sa ce­remonial signing ng nasabing bagong batas na nilagdaan ni Pangulong Marcos sa Malacañang nitong Lunes.

“Mainam na i-prio­ritize ito para maramdaman agad ng ating seafarers ang benepisyo ng batas. Mabigat ang trabaho ng seafarer, kaya kung may magagawa ang gobyerno para gumaan ang buhay nila, gawin na po natin,” sabi pa ng solon.

SEAFARERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with