^

Bansa

Alice Guo, ihahalo sa 43 PDLs sa Pasig City Jail — BJMP

Ludy Bermudo, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Alice Guo, ihahalo sa 43 PDLs sa Pasig City Jail — BJMP
Dismissed Bamban mayor Alice Guo underwent booking procedures and medical examination after a Pasig court ordered her transfer to Pasig City Jail from the PNP Custodial Center on Saturday.
Photo courtesy of PNP PIO) | via Manny Tupas

MANILA, Philippines — Nailipat na sa Pasig City Jail Female Dormitory si dating Bamban, Tarlac mayor Alice Guo kung saan makakasama nito ang nasa 43 iba pang persons deprived of ­liberty (PDLs) matapos na magnegatibo ang medical examination hinggil sa umano’y impeksiyon sa baga.

Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) spokesperson JSupt. Jayrex ­Bustinera, alas 3:43 ng hapon nang ipasok sa selda si Guo kung saan sumalang ito sa booking process at mug shots.

Una nang dinala si Guo sa isolation room ng city jail kasama ang tatlong iba pa na may sakit na tubercolosis matapos na makitaan ng infection sa kaliwang baga.

Sa resulta ng medical examination makakasama na ni Guo ang iba pang babaeng inmates at makaka­tabi sa pagtulog sa kama ang nasa limang PDLs. Nasa  Cell No. 3 si Guo.

Alas-9:33 ng umaga kahapon nang ihatid ng Philippine National Police sa city jail si Guo batay na rin sa kautusan ng  korte.

Nagkaroon ng pagbabago nang maghain ng  mosyon ang kampo ni Guo na manatili ito sa  PNP Custodial Center na inaprubahan ng  korte dahil na rin sa umano’y banta sa buhay nito.

Subalit makalipas ang isang oras, muling naglabas ng order ang korte na mananatili na si Guo sa city jail.

Tiniyak din ni ­Bustinera na mas hinigpitan pa nila ang seguridad ni Guo kung saan nagdagdag na sila ng kanilang mga personnel.

Nahaharap si Guo sa kasong qualified human trafficking na isang non-bailable case.

BJMP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with