LTO bibili ng breath analyzers sa pagtugis sa mga lasing na driver

“And to ensure effective enforcement, we have to download as many breath analyzers that could be used by traffic and law enforcers on the ground,” sabi ni LTO Chief Vigor Mendoza.

MANILA, Philippines — Handang bumili ang Land Transportation Office (LTO) ng dagdag na breath analyzers para sa kaligtasan ng lahat ng motorista sa bansa.

Ang naturang breath analyzers ay para sa full implementation ng Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013. Sa pamamagitan ng naturang analyzers ay madalian nang madedetermina ang isang motorista na lango sa alak na isang dahilan kung bakit nagkakaroon ng aksidente ang mga motorista  sa lansangan.

“And to ensure effective enforcement, we have to download as many breath analyzers that could be used by traffic and law enforcers on the ground,” sabi ni LTO Chief Vigor Mendoza.

Anya, inaalam din ng tanggapan kung ano ang nangyari sa 756 units ng breath analyzers na nabili noong 2015 at 2017.

Sa 756 units ng breath analyzer, halos lahat ay sira na at aabot lamang sa 288 dito ang maaaring makumpuni.

Sinabi ni Mendoza na mahalaga na maipamahagi ang mga breath analyzers sa bawat rehiyon upang maipatupad ng husto ang naturang batas.

Show comments