^

Bansa

Magna Carta for Pinoy Seafarers, batas na

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Magna Carta for Pinoy Seafarers, batas na
Pinirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang ganap na batas ang Magna Carta of Filipino Seafarers na layong protektahan ang karapatan ng mga local at overseas Filipino seafarers. Nakamasid sina Senate President Chiz Escudero, Executive Secretary Lucas Bersamin, Sen. Raffy Tulfo at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
PPA Pool/Marianne Bermudez

MANILA, Philippines — Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. angSenate Bill No. 2221 at House Bill No. 7325  o Magna Carta for Filipino Seafarers.

Sa ceremonial signing na pinangunahan ng Pangulo sa Malakanyang, sinabi nito ang kahalagahan ng bagong batas na naglalayong  ipaglaban ang karapatan at pagpapahalaga sa mga seafarers na nagtatrabaho at nagsasakripisyo sa ibang bansa.

“At its core, this new law aims to uphold the fundamental rights of our overseas seafarers: their right to fair wages, safe working conditions, and skills and competency development, amongst others,” sinabi pa ni Marcos.

Pahayag pa ni ­Pangulong Marcos, na ang patas na sweldo ay hindi lamang tungkol sa patas na numero sa paycheck kundi dapat makakuha rin ng patas na kabayaran ang mga seafarers para sa kanilang hirap at dedikasyon.

Pagdating naman aniya sa kondisyon sa trabaho, ang mga kumpanya ay hindi lamang dapat nakatutok sa pagsunod kundi dapat din tiyakin ang kaligtasan  at proteksyon hindi lamang mula sa mga panganib na kinakaharap kundi pati na rin sa pananamantala at diskriminasyon.

Dagdag pa ng Pangulo na ang Magna Carta ay naaayon para sa makasabay sa pamantayan sa pagsasanay, Certification and Watchkeeeping (STCW) gayundin sa pagtanggap sa global maritime labor laws.

Sa pamamagitan aniya nito ay tiyak na ang mga seafarer natin ay hindi lamang sumusunod kundi mahusay at handang harapin ang mga hamon ng nagbabagong industriya ng maritime.

LAW

SEAFARERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with