^

Bansa

Benguet Vice Governor, sinampahan ng kaso sa Ombudsman

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Benguet Vice Governor, sinampahan ng kaso sa Ombudsman
Ayon sa Task Force Kasanag (TFK), may conflict of interest umano ang pagiging vice governor ni Felipe at pagiging may-ari niya ng Tagel Corporation, isang construction firm na may transaksiyon sa gobyerno.
Office of the Ombudsman Philippines / Facebook page

MANILA, Philippines — Kasong graft and corruption ang isinampa ng isang grupo sa Office of the Ombudsman laban kay Benguet Vice Gov. Ericson Felipe.

Ayon sa Task Force Kasanag (TFK), may conflict of interest umano ang pagiging vice governor ni Felipe at pagiging may-ari niya ng Tagel Corporation, isang construction firm na may transaksiyon sa gobyerno.

Nakasaad rin sa nasabing reklamo, nakakuha umano ng 30 kontrata ang kumpanya ni Felipe sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na nagkakahalaga ng P1.35 bilyon noong 2022 hanggang 2023 habang siya ang bise gobernador.

Malinaw na ito raw ay paglabag sa Republic Act 3019 at 6713 o ang Anti-graft and Ethical Standards of a Government Official.

Dagdag pa ng TFK, si Felipe ay patuloy na nagmamay-ari ng 60% ng nasabing kumpanya na nagkakahalaga ng P300 milyon.

Sa isinampang kaso ng grupong TFK laban kay Felipe, sinabi nito na ginamit umano ng bise gobernador ang kanyang puwesto para makakuha ng mga kontrata sa DPWH.

Ang TFK ay isang civil society group na nakabase sa Cordillera Administrative Region (CAR) at nagbaban­tay sa mga katiwalian ng mga opisyal sa nasabing rehiyon.

vuukle comment

TFK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with