Alice Guo sa Lunes ‘iseselda’ sa Pasig City Jail - PNP

Mahigpit kahapon ang seguridad ng pulisya sa bisinidad ng Valenzuela City Regio­nal Trial Court sa pagdating ni Alice Guo para sa kanyang arraignment sa graft charges. Pero iniliban ang arraignment sa September 30.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Posibleng sa Lunes na mailipat sa Pasig City Jail si dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo.

Ito naman ang napag-alaman mula kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, dahil kailangan pang ibalik ng Criminal Investigation and Detection Group ang warrant of arrest ni Guo sa Pasig Regional Trial Court.

Ayon sa PNP, may ilan pang mga dokumento na dapat ayusin bago tuluyang mailipat ang dating alkalde ng Bamban.

Sinabi naman ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Spokesperson Chief Insp. Jayrex Bustinera na kailangan pa aniyang sumailalim sa medical examination, tulad ng x-rays at ECG reading dahil nasa 44 ang makakasamang Persons Deprived of Liberty (PDLs) ni Guo.

Batay sa kanilang patakaran dapat ay naka-isolate ang bagong commit na PDL. Subalit kailangan na gamitin ang isolation room para sa isang TB patient.

“Ideally, dapat sa isolation ang bagong commit. Kaya lang, may [tuberculosis] patients po kaming naka-isolate ngayon, kaya hindi po sya pwedeng ihalo dun. Sa general population siya. Kaya mahigpit ang requirements sa medical po,” ani Bustinera.

Show comments