^

Bansa

‘Deepfakes’ matinding banta sa 2025 elections - DICT

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ikinokonsidera ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na malaking banta sa dara­ting na 2025 elections ang deepfakes.

Sinasabing ang deepfakes ay Artificial Intelligence-generated audio o visual materials na gamit para kopyahin ang mga larawan o pananalita ng isang tao, lugar o pangyayari.

Ang teknolohiyang ito ay maaari umanong ma­gamit upang makalikha ng fake videos ng mga personalidad na magdudulot ng mga mali at gawa-gawang mga pahayag.

“It’s a tool that can cause the public to be misled because of that content so hindi natin alam ano ang totoo at ano ang hindi. Ang preparasyon natin is to find a techno­logy to detect and counter deepfakes… Inaayos pa ng mga supplier,” sabi ni Alexander Ramos, director ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center ng DICT. Sa isang forum, sinabi nito na may ugnayan na ang DICT at Commission on Elections (Comelec) upang masawata ang gani­tong sistema na maaa­ring mamanipula ang mga botante at makasira sa darating na halalan.

“We have to research technologies what can help them regarding this elections, ‘Yung issue of how do you determine the origin of this content that may be more than what is required. Gusto ng Comelec na ma i-measure na din yung exposure ng kada candidate so we are focused on that,” dagdag ni Ramos.

Anya, ang DICT ay naglaan ng P10 milyon para sa taunang subscription ng isang aplikasyon na may malaking maitutulong sa gobyerno na mabilis na madetermina ang mga fake content sa online.

Nilinaw pa nito na ang aplikasyon ay hindi lamang para sa darating na eleksiyon kundi para rin sa iba pang bagay.

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with