MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Jesse Hermogenes Andres bilang Officer-in-Charge (OIC) ng Energy Regulatory Commission (ERC).
Si Andres ay pansamantalang papalit kay ERC Chairperson at CEO Monalis Dimalanta na sinuspinde ng Office of the Ombudsman sa loob ng anim na buwan.
Ang appointment paper ni Andres ay nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Setyembre 20.
Nakasaad sa memorandum na awtorisado si Andres na makakuha ng representation and transportation allowance, extraordinary at miscellaneous expenses.
Si Andres ay nagsilbi bilang Undersecretary sa Department of Justice (DOJ) kung saan ay pinamahalaan nito ang functions ng National Prosecution Service habang humawak din ng directorial positions sa iba’t ibang korporasyon.