^

Bansa

Kapatid ni Michael Yang nadakma sa NAIA

Doris Franche-Borja, Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
Kapatid ni Michael Yang nadakma sa NAIA
Michael Yang's brother arrested at NAIA Michael Yang's brother Yang Jianxin was arrested in the Ninoy Aquino International Airport on September 20, 2024.
Bureau of Immigration

MANILA, Philippines — Nadakma ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang kapatid ng dating presidential economic adviser na si Michael Yang.

Sa report ng PAOCC, nadakip nila si Yang Jian Xin, kilala rin bilang Tony Yang sa tulong ng Bureau of Immigration (BI) at Intelligence Service ng  Armed Forces of the Philippines (ISAFP) dahil sa pagiging undesirable alien.

Naharang si Jian Xin sa isang Cebu Pacific flight mula Cagayan de Oro.

Nahaharap sa deportation case si Jian Xin dahil sa umano’y ‘misrepresentation’ ng kanyang sarili bilang isang Pilipino at ‘falsification of information’ tungkol sa Securities and Exchange Commission (SEC) certificate ng kanyang kumpanya na Phil Sanjia Corporation.

Nagsampa rin ng rek­lamo ang mga empleyado ng nasabing kumpanya dahil sa hindi paghuhulog ng kanilang Social Security System (SSS), PAG-IBIG, at PhilHealth contributions.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng PAOCC si Jian Xin habang isinasagawa ang imbestigasyon sa kanyang mga kinakaharap na kaso.

Sinabi ni BI officer-in-charge Commissioner Joel Anthony Viado na kapag napatunayang nagkasala, mahaharap si Yang sa deportasyon at blacklisting.

Matatandaang inuugnay din ang naturang indibidwal sa iligal na ­Phili­ppine Offshore Ga­ming Operators (POGO) sa bansa.

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with