^

Bansa

Paglilipat kay Alice Guo sa Pasig Jail, inutos ng korte

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Paglilipat kay Alice Guo sa Pasig Jail, inutos ng korte
Naka-bulletproof helmet at vest si dating Bamban mayor Alice Guo ha- bang ineeskortan ng mga pulis palabas ng Valenzuela City Regional Trial Court matapos magpiyansa sa kasong graft and corruption, ka- hapon.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Ipinalilipat na ng hukuman sa Pasig City Jail si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Batay sa commitment order ni Pasig City Regio­nal Trial Court Branch 167 Presiding Judge Annielyn Medes-Cabelis, ipinag-utos nito na mailipat si Guo sa female dormitory ng Pasig City Jail, mula sa custodial facility ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame.

May kinalaman ito sa qualified trafficking case na kinakaharap ni Guo, kaugnay ng operasyon ng illegal Philippine Offshore Ga­ming Operators (POGOs) sa Bamban na dati niyang nasasakupan.

Bukod kay Guo, ipinag-utos na rin ng hukuman na mailipat ng Pasig City Jail Male Dormitory ang kanyang kapwa akusado na si Walter Wong Long mula sa Tarlac Provincial Jail.

Dahil isang non-bailable case, hindi pinapayagan ng hukuman na maglagak ng piyansa ang mga akusado para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Samantala, inisyuhan din naman ng hukuman ng warrant of arrest ang iba pang akusado na nakakalaya pa.

Kabilang dito sina Huang Zhiyang, Rachelle Joan Malonzo Carreon, Zhang Ruijin, Baoying Lin, Yu Zheng Can, Dennis Cunanan, Jamielyn Cruz, Rode­rick Pujante, Juan Miguel Alpas, Merlie Joy Castro, Rita Yturralde, Rowena Evangelista, Thelma Lara­nan at Maybelline Millo alyas Shana Yiyi.

Nabatid na nakitaan ng Pasig RTC ng probable cause ang lahat ng akusado upang litisin kaugnay ng mga krimeng isinampa laban sa kanila.

Itinakda na rin naman ng hukuman ang arraignment at pre-trial conference para kina Guo at Long sa Setyembre 27, ganap na alas-8:30 ng umaga.

ALICE GUO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with