^

Bansa

Ugnayang Philippines -Indonesia mas lalalim

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaasahan na mas lalalim pa ang relasyon ng Pilipinas at Indonesia sa pag-upo sa pwesto ni Indonesian President-elect Prabowo Subianto.

Sa courtesy call sa Malakanyang ni Subianto, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ito ay  magandang senyales at nagpapakita sa lumalalim pang ugnayan ng Pilipinas at Indonesia sa iba’t ibang aspeto — mula sa people-to-people exchanges, pulitika, at diplomasya.

Malapit na ring ipagdiwang ang ika-75 taong diplomatic relations ng dalawang bansa ngayong Nobyembre kaya’t naniniwala si Marcos na ang pagbisita ni Subianto ay magdadala ng bagong lakas upang gawing mas matatag at mas malalim pa ang ugnayang ito.

Nagpasalamat naman si Subianto kay Marcos sa mainit na pagtanggap sa kanya sa kabila ng aniya’y short notice. Bahagi aniya ito ng pagbibigay-galang niya sa Chief Executive dahil eksaktong isang buwan mula ngayon, sa ika-20 ng Oktubre, ay pormal na siyang uupo bilang Presidente naman ng Republika ng Indonesia.

Sinabi pa ni Subianto na paraan at nakagawian na ng mga Asyano na bago sila pumasok o umupo sa isang posisyon ay binibisita muna ang kanilang mga kaalyado.

Nangako naman ang incoming Indonesian leader na mas patitibayin pa ng kanyang administrasyon ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia.

Dagdag pa ni Subianto, mayroon ding common roots, kultural, at historikal ang dalawang bansa, at dahil malapit na magkapitbahay nga ang mga ito, nararapat lamang aniya na palagi itong magtulungan at magbigay ng suporta sa isa’t isa sa lahat ng larangan.

PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with