^

Bansa

Drug war ginamit ni Duterte para targetin mga kalaban – Mabilog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Drug war ginamit ni Duterte para targetin mga kalaban – Mabilog
The body of an alleged drug dealer lies on the ground after he was killed by an unidentified assailant in Manila on March 23, 2018. Philippine police said on March 22 they had shot dead 13 drug suspects, just days after President Rodrigo Duterte moved to take the country out of the International Criminal Court over its inquiry into his deadly drug war.
AFP/Noel Celis

MANILA, Philippines — Ibinunyag ni dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog na ang anti-drug war campaign na kumitil ng libu-libong buhay ay ginamit din umano ng gobyerno ni dating Pangulong Rodrigo Duterte upang targetin at patahimikin ang mga kalaban ng mga ito sa pulitika.

Humarap kahapon si Mabilog sa Quad Committee ng Kamara si Mabilog at itinanggi na sangkot siya sa illegal na droga na sinabing ang narcolist ay naging hit list na ginamit laban sa mga katunggali sa pulitika.

“Una po sa lahat I declare that I was not and never will be a drug protector! I don’t know personally nor did I benefit in any way from any illegal drug personality in Iloilo or anywhere else,” ayon kay Mabilog na kasama sa narcolist ni Digong.

Dahil umano sa banta sa kaniyang buhay ay napilitan siya at kaniyang pamilya na magpa-self exile sa Estados Unidos at nanatili doon ng pitong taon.  

“Paulit-ulit ang pagbabanta ni Presidente Duterte sa media, harap-harapang sinasabi na ipapapatay daw ako,” sabi ni Mabilog.

Noong 2017 ay nakatanggap umano siya ng tawag mula kay dating PNP chief at ngayo’y Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na iniimbitahan siya sa Camp Crame. Pero isang PNP Colonel ang tumawag sa kaniya at sinabing huwag siyang pumunta sa PNP Headquarters dahil nasa panganib ang kaniyang buhay at plano na umano siyang itumba.

Maging ang kaniyang misis ay tumanggap din ng text message na may mga armadong lalaki na nakapalibot sa kanilang tahanan at handa siyang patayin kapag nagtungo sa Camp Crame.

“Mayor, do not return. Your life is in danger. The accusations against you are all fabricated. But if you go to Crame, you’ll be forced to point fingers to an opposition senator and a former presidential candidate as drug lords,” ani Mabilog na tinukoy sina dating DILG secretary Mar Roxas at kaniyang pinsan na si dating senador Franklin Drilon.

Habang nasa Japan ay tinawagan siya ni Dela Rosa na nangako umanong tutulungan siya pero ng tawagan siyang muli ng kaibigang heneral ay binalaan siyang huwag umuwi ng bansa dahil determinado umano si Duterte na ipapatay siya at patibong lamang ang pagpapapunta sa kaniya ni Dela Rosa sa Camp Crame.

DRUG WAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with