^

Bansa

Illegal Detention, Grave Coercion vs Taguig officials ibinasura ng piskalya

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Taguig City Prosecutor’s Office ang mga reklamong inihain ng ilang kawani ng Makati City government laban sa mga opisyal ng Taguig City government kaugnay sa alegasyong ikinulong sila sa ipinadlock na parke.

Sa 14-pahinang resolusyon na inilabas noong Agosto 2, ibinasura ang reklamong illegal detention at grave coercion na isinampa laban kina Taguig City Mayor Lani Cayetano, City Administrator Jose Luis Montales, Business Permits and Licensing Office Head Maria Theresa Veloso, Traffic Management Office Head Danny Cañaveral, at iba pa.

Batay sa resolusyon, hindi sapat na batayan ang mga isinumiteng ebidensiya ng mga complainant na magpapatibay sa mga akusasyon.

Ang reklamo na inihain nina Salvador C. Palisa, Ryalyn B. Almazar, Joven P. Mediavillo, at Salvador G. Mercado, na pawang mga empleyado ng Makati City Government ay kaugnay sa  pagpapasara ng Makati Park and Garden at Makati Aqua Sports Arena (MASA) dahil sa kawalan ng kaukulang permit mula sa pamahalaan ng Taguig, na naganap mula Marso 1 hanggang 3, 2024.

Iginiit ng mga complainant na iligal na ikinulong sila sa loob ng parke at hinadlangan na makapasok o makalabas sa lugar.

Ang nasabing parke at sports arena ay matatagpuan sa Barangay West Rembo, na naging bahagi na ng Taguig matapos magpasiya ang Korte Suprema noong Disyembre 1, 2021 na ang Fort Bonifacio Military Reservation, kasama ang 10 EMBO barangays ay nasa hurisdiksyon ng Taguig City at hindi ng Makati City, na naging final at executory noong Setyembre 28, 2022.

TAGUIG CITY GOVERNMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with