^

Bansa

‘Angels of death’, private army ni Quiboloy — PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
âAngels of deathâ, private army ni Quiboloy â PNP
Apollo Quiboloy (3rd R), Philippine pastor and founder of the Philippines-based Kingdom of Jesus Christ (KOJC) church, and co-accused (in orange) are presented to members of the media during a press conference presided by Philippines' Secretary of Interior Benjamin Abalos Jr. (L) inside the national police headquarters in Manila on September 9, 2024,
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Tinukoy ng Philippine National Police (PNP) na private army ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy ang sinasabing “angels of death” na nagbabanta sa mga biktima nito ng pang-aabuso at panggagahasa.

Ayon kay PNP spokesperson PCol. Jean Fajardo, ito’y batay sa testimonya mismo ng mga biktima ni Quiboloy sa kasagasagan ng pagsalakay ng PNP sa KOJC Compound sa Davao City.

Ang mga private army ay kinabibilangan umano ng mga army reservist at militiamen.

“May initial na silang (Police Regional Office 11) pangalan na maaaring mi­yembro nitong sinasabing ‘angels of death’ na gina­gamit para takutin at saktan itong magdi-divulge ng secrets nilang nangyari doon sa loob ng KOJC building,” ani Fajardo.

Ang mga nasabing private army ay naghihintay lamang ng utos mula kay Quiboloy.

Sina Quiboloy at mga kasabwat na sina Jackielyn Roy, Ingrid Canada, Cresente Canada, at Sylvia Cemañes ay nahaharap sa kasong are facing charges of human trafficking, child abuse, at  sexual abuse.

Samantala, nasa higit 10 indibiduwal ang nakatakdang kasuhan ng PNP na ‘kumupkop’ kay Quiboloy.

“May identified nang KOJC officers at kasama (nila), na siguro ‘yung legal representatives niya, who were very vocal from the start na wala sa loob (ng KOJC compound) si Quiboloy,” dagdag ni Fajardo.

Inaasikaso na rin nila ang kanselasyon ng lisensiya ng mga baril ng mga “angels of death” members.

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with