^

Bansa

107K Reservists hinimok na idepensa soberanya ng Philippines

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinimok ni Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino ang 107,000 reservists sa iba’t ibang sangay ng militar sa bansa na maging aktibo sa pagtatanggol at panga­ngalaga sa soberanya ng Pilipinas sa gitna ng tensiyon at hamon sa pulitika sa West Philippine Sea.

Sa pagdiriwang ng 45th Reservist Week sa Camp Aguinaldo, binigyang-diin ni Tolentino ang “kahalagahan ng matatag at handang reservists na hindi maaaring takutin” dahil nagiging estratehiko ang papel ng bansa sa Indo-Pacific sa komplikadong kapaligiran sa seguridad.

Ang mambabatas, isang aktibong mi­yembro ng military reserve force ng bansa—na may ranggong Brigadier General—ay pinuri ang mga tungkulin ng reservists bilang mga propesyonal na tagapagtaguyod ng bansa, tagapagtanggol at humanitarian responders.

Sinabi pa ni Tolentino na ang reserbang puwersa ay nagbibigay ng katiyakan na ang sambayanang Pilipino ay handa sa panahon ng krisis.

Ibinahagi ni Tolentino na bilang reser­vist mismo, gumawa siya ng dalawang mungkahing batas---Maritime Zones Law at Archipelagic Sea Lanes Law-bilang mga kontribusyon upang palakasin ang pag-angkin ng Pilipinas sa territorial waters, endowment, at karapatan sa buong bansa batay sa international laws.

“Ang mga batas na ito ay may pangmatagalang epekto sa ating soberanya,” sabi niya.

Naniniwala si Tolentino na dapat maging concern at handa ang reserve force sa iba’t ibang banta sa seguridad sa bansa, kabilang ang mga conventional at non-conventional tulad ng cyber attacks, terorismo, at human trafficking.

Inamin niya na ang mga bihasang reservist sa teknolohiya, batas, medisina, engineering, at iba pang kadalubhasaan ay napakahalaga sa modernong konsepto ng depensa na nagpapahusay sa kakayahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Isinasaalang-alang ni Tolentino ang kakayahan at kadalubhasaan ng mga reservist para tumugon sa mga hamon ng banta ng pagsalakay sa bansa para magamit ng AFP.

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with