^

Bansa

6 todas, 2 nawawala sa bagyong Ferdie, habagat

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
6 todas, 2 nawawala sa bagyong Ferdie, habagat
This photo shows personnel from the local government of Valderrama, Antique loading relief goods for the victims of Tropical Storm Ferdie (international name: Bebinca).
Valderrama MDRRMO via Facebook

MANILA, Philippines — Anim katao ang namatay habang dalawa ang nawawala dahil sa bagyong Ferdie at pinaigting na Habagat.

Sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sumasailalim pa sa validation ang apat na nasawi mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at dalawa sa Zamboanga Peninsula.

Tig-isa naman ang nawawala mula sa  Zamboanga Peninsula at Western Visayas habang 11 kaso ng pinsala mula sa BARMM at Soccsksargen na naiulat.

May 203,197 katao o 47,166 pamilya sa 292 barangay ang naapektuhan ng masamang panahon kamakailan. Nasa 13,825 ang nanatili sa mga evacuation center, habang 22,801 ang naghahanap ng pansamantalang tirahan sa ibang lugar.

Si “Ferdie” at ang Habagat ay nagdulot din ng P200,000 halaga ng pinsala sa imprastraktura sa ilang lugar at nag-iwan ng pinsala sa mga kabahayan.

Nasa 17 kalsada at tatlong tulay na hindi pa rin nadaraanan hanggang ngayon.

Dumanas din ng mga power interruption at pagkaantala ng ilang flight at seaport trip sa ilang rehiyon. Ilang mga paaralan at opisina rin ang nagpasyang suspendihin ang mga klase at trabaho.

Samantala, nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) si Ferdie noong Sabado ng hapon ngunit ang trough o extension nito at ang habagat ay nagdulot pa rin ng mga pag-ulan sa ilang lugar.

BARMM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with