13 pagyanig naitala sa Mt. Kanlaon
MANILA, Philippines — Nakapagtala ng 13 volcanic earthquakes ang Bulkang Kanlaon sa Negros Island simula Sabado ng gabi.
Ayon sa Phivolcs, bahagyang natatakpan ng plumes ang nasabing bulkan.
Huwebes, Setyembre 12, nang magbuga ng 10,880 tonelada ng asupre at nagtala ng 17 volcanic earthquakes ang Mt. Kanlaon.
Nabatid kay Phivolcs chief Teresito Bacolcol na posibleng magkaroon ng pagsabog kasunod ng mga serye ng lindol sa bulkan.
Kasalukuyang nasa Alert Level 2 status ang Kanlaon dahil sa “increased unrest” kasunod ng pagsabog nito noong Hunyo 3.
Ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa may 4-km radius permanent danger zone ng bulkan at paglipad ng anumang sasakyang panghimpapawid na malapit dito.
- Latest